Mahigit sa 200,000 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center dahil sa pananalasa ng bagyong Rolly.
Ayon sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), 61,900 pamilya o higit sa 228,000 indibidwal ang nasa mga evacuation center.
Nabatid na ang bilang ng mga bahay na nasira ng bagyo ay umabot na sa 44,033.
Sa bilang na iyon, 14,064 sa kanila ang ganap na mapinsala, at 29,969 ang bahagyang mapinsala.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY