
BUTUAN CITY – Walang takas sa batas! Umabot sa 1,269 na wanted persons ang nadakip ng mga awtoridad sa Caraga Region mula Enero hanggang Mayo ngayong taon, ayon sa ulat ng Police Regional Office 13 (PRO-13) nitong Martes.
Ayon kay PRO-13 Director Police Brig. Gen. Christopher Abrahano, kabilang sa mga naaresto ang 266 na most wanted persons na may mabibigat na kasong kinakaharap.
Pinangunahan ng Surigao del Sur Police Provincial Office (PPO) ang may pinakamaraming naaresto — 331 katao, sinundan ng:
- Surigao del Norte PPO – 277
- Agusan del Sur PPO – 241
- Butuan City Police Office – 235
- Agusan del Norte PPO – 161
- Dinagat Islands PPO – 24
Pahayag ni Gen. Abrahano, patuloy pa ang kanilang pagpapatupad ng mga warrant of arrest alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III.
“Mas marami pa tayong inaasahang mahuhuli sa pagpapatuloy ng ating pinaigting na manhunt operations,” aniya.
Sa nagpapatuloy na operasyon, 14 pang wanted ang nadakip noong Hunyo 2 sa iba’t ibang bayan at lungsod sa rehiyon.
More Stories
Most Wanted sa carnapping, kusang sumuko sa Caloocan Police
Radio DJ Nicole Hyala, ibinunyag na may thyroid cancer: “Mali ka ng kinalaban!”
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup