Nakatakdang pag-usapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tungkol sa panukalang sovereign wealth fund ng bansa sa harap ng mga kapwa lider ng mundo sa 2023 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, sa susunod na linggo.
Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay DFA Undersecretary Carlos Sorreta, biyahe patungong Switzerland si Pangulong Marcos mula January 15 hanggang 20.
Sa kanilang isinagawang pre-departure briefing, inihayag ni Sorreta na si Pangulong Marcos ang isa na naisip na pag-usapan ang tungkol sa Maharlika Wealth Fund sa World Economic Forum (WEF at ito ay isang magandang ideya.
Aniya, ang World Economic Forum ay isang “great venue” para pag-usapan ang tungkol sa sovereign wealth fund, dahil sa pagiging prominente ng forum mismo.
Gayunpaman, nilinaw niya na ang pag-uusapan lamang ni Marcos ay ang malalawak na stroke ng sovereign wealth fund.
Dagdag pa ni Sorreta na isinusulong ng Pangulo ang Maharlika Wealth Fund dahil “ito ay isang investment sa hinaharap,” at kumpiyansa si Marcos sa “ability and capabilities ng mga Pilipino, Filipino entrepreneurs, at local investors.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA