December 24, 2024

Mahalaga sa isang lider ang nagtitiwala sa Diyos

Muli, isa na naman pong magandang araw sa inyo, mga minamahal kong mga kababayan. Mga ginigiliw kong mga Ka-Sampaguita.

Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Nawa’y hindi magmaliw ang hindi nauubos na biyaya ng Panginoong Diyos. 

Kapansin-pansin para sa akin mga Ka-Sampaguita ang tinuran ng ilan. Anila, tila sumusuko na ang Pangulong Duterte sa programa kontra COVID-19.

Teka, may masama ba rito? Masama bang humingi ng tulong at magtiwala sa Diyos? Sa totoo lang, mahirap talagang labanan ang Coronavirus. Hindi ito basta-basta mawawala.

Buong mundo ang dumadaing at lumalaban sa virus. Bagama’t nagsusumikap naman ang gobyerno na masugpo ito, kinakailangan ng isang lider ang isang makapangyarihang tutulong sa kanya— ang Panginoong Diyos.

Ewan ko sa mga ilang nagtaasan ng kilay kung bakit big deal sa kanila ang sinabi ng president. Na tinuran nitong ‘ipagpasa-Diyos ang lahat’.Binigyan nila ng masamang interpretasyon. Na inutil daw ang administrasyon upang sugpuin ang COVID-19.

Nangangahulugan na raw ito na suko na ang presidente sa paglaban sa nasabing sakit. Ewan ko kung anong klaseng tao ang mga ito. Minasama ang pagtitiwala sa Diyos.

Hindi ba’t kapita-pitagan ang isang lider na ipinagpapa-Diyos ang lahat? Na itinitiwala sa Diyos ang mga balakin niya. Panginoon

Nakasaad sa Biblia sa aklat ng Kawikaan 16:1 na:  Nasa tao ang pagpaplano, ngunit ang Panginoon ang nagpapasya kung magaganap ito o hindi.”

Nasusulat din sa Kawikaan 16:3, Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong gagawin, at magtatagumpay ka.”

Hindi ba’t sa pinagdadaanan natin ngayon, mainam na magtiwala,umasa at manalig tayo sa magagawa ng Diyos? Sapagkat sa ganang sarili lamang ng tao, hindi nito kakayanin na lutasin ang suliranin, gaya ng paglaban sa COVID-19.

Talaga namang Diyos lamang ang makapagbibigay ng lunas sa suliranin, sa pandemya. Kaya, huwag itong haluan ng pamumulitika. Adios Amorsekos.