Iginiit ni Senator Imee Marcos na kung pinayagang buksan ang mga sabungan, dapat payagan na ring buksan ang mga paaralan dahil mas mahalaga ang edukasyon kung ikukumpara sugal.
“Talagang nadismaya ako na mas mahalaga pa pala ang sabong sa Pilipino kaysa sa edukasyon. Dalawang linggong nakalipas, binuksan na ang sabongan pero yung eskwelahan sarado pa rin, hindi naman yata tama,” saad ni Marcos habang dinidinig ng Senate basic education committee ang mga updates sa pagbubukas ng klase.
“So I think it’s more important na bigyan naman natin ng kahalagahan ang ating edukasyon. Alam naman natin na hindi super-spreader ang mga eskwelahan,” dagdag pa niya.
Nitong Oktubre, pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease ang mga sabungan sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Bagama’t nasa kamay pa rin ng local government units kung papayagan ang mga lisensiyadong sabungan na ipagpatuloy ang operasyon nito sa kani-kanilang nasasakupan.
Habang hindi naman pinapayagan ng IATF na magsagawa ng face-to-face classes. Bilang alternatibong paraan para ipagpatuloy ang edukasyon ng mga estudyante, ipinatupad ng Department of Education (DepEd) ang blended learning para sa kasalukuyang school year, na binuksan noong Oktubre 5.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY