BUMAGSAK na sa kamay ng mga pinagsanib na operatiba ng PDEA Cotabato Provincial Office, PDEA BARMM, Midsayap Municipal Police Station, 34th Infantry Battalion ng Philippine Army ang isang suspek na kandidato bilang mayor sa isinagawang search operation sa Brgy. Upper Glad 1, Midsayap sa probinsya ng Cotabato, ngayong araw ng Biyernes.
Kinilala ang suspek na si Tom Nandang alyas “Datukon” Nandang, 33, residente sa nasabing lugar at kumakandidatong alkalde sa bayan ng Nothern Kabuntulan sa Maguindanao.
Dakong alas-6:00 ng umaga nang masamsamsa ginawang paghahalughog ng mga otoridad sa bahay ng suspek ang 10 piraso ng medium sachets ng mga pinahihinalaang shabu at nakabalot sa isang Chinese tea bag cellophane na may markang “Gwanyinwang” na may timbang na 500 gramo na nagkakahalaga ng P3,400,000 at isang cal.45 na baril.
Kasong paglabag sa Violation sa Sec.11 (possession) of illegal drugs ng RA 9165 ang kakaharapin ng suspek.
Nasakote din sa bayan ng Bacoor Cavite, ang tatlong suspek na nagbebenta ng iligal na droga sa Joint operations ng PDEA-Regional Office ng National Capital Region Northern District Office sa pangunguna ni Pdea NCR Regional Director Adrian Alvarino, Pdea Cavite Provincial Office at ng Bacoor City Police Station sa isinagawang drug buy-bust operation sa lugar ng Panapaan 1, sa nabanggit na bayan noong Huwebes ng hapon.
Nakilala ang mga suspek na sina Marvin Dominguez, alyas “Barron”, 30; John Paul Reyes, 26; at si Christine Alvaran, 25-anyos.
Nakumpiska sa tatlong suspek ang 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P3.400,000, isang unit ng Toyota Avanza, cellular phone, mga identification cards at ang buy-bust money na ginamit ng isang under cover agent ng Pdea.
Sasampahan kasong may kinalaman sa paglabag sa Violation of Sec.5 (selling) at 11 (possession) ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek at walang inirekomendang piyansa.
Pinapurihan din ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang mga operatiba na nagsagawa ng operasyon laban sa Mayoralty candidate sa Maguindanao.
“I commend our operatives who carried out this operation for heeding to my call to monitor the illegal drug activities of some erring candidates in order to ensure that drug money will not be used to fund their bid for the 2022 local and national elections.” ayon kay Eleazar.
“Hindi titigil ang inyong PNP sa pagtugis sa mga narco-politicians at iba pang mga pulitiko na may kinalaman sa mga criminal groups. We will not allow them to use their illegal connections to undermine our democratic process,” dagdag pa ng mataas na opisyal. (KOI HIPOLITO)
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR