
Dead on the spot ang magtiyuhin at himala na nakaligtas at nasugatan ang isa pa nang tamaan ng kidlat habang nagpapatila ng ulan sa isang kubo sa Samal, Bataan.
Nakilala ang mga nasawi na sina Kevin Sacriz, 22 at tiyuhin na si Elvin Sacriz, 26 anyos.
Masuwerteng hindi napuruhan at mabilis na isinugod sa pagamutan ang sugatan na si Edizer Sacriz, ama ni Kevin.
Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) naganap ang insidente sa Barangay Palili, Samal, Bataan. Katatapos lamang magtrabaho sa bukid ang mga biktima at papauwi na sana sa kanilang bahay nang tamaan sila ng kidlat.
More Stories
POGO BUHAY NA NAMAN? MAY BAGO SILANG MODUS – HONTIVEROS
SEN. LAPID NAGSAGAWA NG MOTORCADE SA BACOLOD CITY AT NEGROS OCCIDENTAL
CONVOY NG PNP CHIEF, SINITA DAHIL SA PAGGAMIT NG EDSA BUSWAY