NUMERO ang laro sa pulitika.
Matibay ang politiko pag siya ay may numero kaya kahit maduming laro ay okey lang para sa kapakanang pulitikal di bale nang may masamang epekto sa tao.
Kailangang madagdagan pa ang bilang para sa isang ganid sa kapangyarihan kahit na siya na ang may hawak ng ruling party .
Kaya nga nalikha ang Party List system noong dilaw na administrasyon na kunwari ang dahilan ay magkaroon ng tinig ang mga marginalized sector kuno sa Kongreso.
Pero ang talagang dahilan ay upang gawin silang laruan sa number game at sa ibang banda ay napaglalaruan nila ang kaisipan ng taumbayan na may kinakatawan silang konstituwente na sakop naman ng mga lehitimong representante ng mga distrito sa buong kapuluan.
Halimbawa ang mga sektor daw ng mga kababaihan, guro, tsuper , manggagawa, syoke at mga tibo pati mga animal na radikal atbp.Saan ba nakatira ang mga iyan kundi sa mga distrito rin e bakit kailangan magkaroon sila ng separadong kinatawan sa Batasan? Redundancy lang pero pinilit itong nilikha ng mga switik na pulitiko para sa sariling kapakanan.
Mabibilang sa daliri ng isang kamay ang tunay at magaling na mambabatas sa Party List pero sanrekwa sa kanila ay mga benchwarmer lang sa plenaryo at naghihintay ng suweldo at pondo para sa mga pekeng proyekto laan daw sa iilang bilang ng kanilang constituents daw pero sa totoo lang ay walang ibang pupuntahan ang nadekwat na pondo ni Juan kundi sa kanilang sariling lukbutan.
Bawat eleksiyon noon ay dumarami ang bilang ng Party List na di masyadong napapansin ng taumbayang napupunta at nasasayang ang kanilang buwis sa kalokohang sistema.
Naging pag-asa rin ang Party List ng mga laos at walang panalong pulitiko kaya BUHAY ang kanilang political career hindi upang maglingkod kundi gawing hanap- buhay ang linsyak na sistemang dapat nang mamatay.
Ang matindi,na- penetrate ng pulahan ang Party List na nagsimula sa isa , dalawa pero ngayon ang dami na nila.
Nakapronta sila bilang Kinatawan daw ng masa na di naman nakikinabang sa kanilang pasasa.
Sila raw ang mga mambabatas na MAKABAYAN gayong wala naman silang ginawa kundi mangulimbat ng kaban ng bayan at gawing legal ang paglustay ng pondo para palakasin ang kanilang kilusan sa mithing pabagsakin ang gobyernong nagpapasahod pa sa mga animal na radikal.
Saang panig ng mundo kayo makakakita na ang mga salot sa lipunan ay malayang nagagamit ang institusyong Kongreso para magkamal sa bayan ni Juan at nakakagoyo sa gobyerno habang naghahasik ng lagim sa kanayunan? Onli in da Pilipins!
Lahat ng kasamaan at kabalbalan ay may katapusan.
Bilang na ang araw nila sa kasalukuyang administrasyon.
Bistado na ang mga kilatis ng Party List kaya di na dapat tayong magtiis.
Iyong iilang lumutang na magagaling ay mayroong paglalagyan bilang tunay na lingkod- bayan. Pero silang mga hayop sa damong naging kinatawan ng demonyo sa plenaryo ..doon kayo magsesyon sa house of lord ng mga kawatan sa impyerno!.. Putraguese kayo!
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR