NAGBABALA si House Secretary General Reginald Velasco na hindi papayagang dumalo ang sinomang magsusuot ng damit na may slogan at imahe ng anti-government sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22 sa Batasan Complex.
“Because this is Sona. It’s not a day of protest; if you want to, some areas are reserved for your protest or demonstration. This is not the place or time to express anything,” ayon sa House official.
“If you don’t follow, you’ll be arrested and be detained in our detention center,” dagdag niya.
Para sa mga media personnel na magko-cover sa event, ang mga kasuotan na mayroong pangalan ng kanilang kompanya ay papayagan, pero ang mga kasuotan na may expression of protest – maging mga mukha ng mga personalidad ay pagbabawalan, ayon kay Velasco.
“That’s a formal event. The proper attire is coat and tie or barong,” dagdag niya.
Samantala, sa panig ni ACT teachers partylist Rep. France Castro, patuloy pa rin nilang isusuot ang kanilang nakaugaliang isuot sa SONA. Wika niya, ang ganitong polisiya na ipinalabas ni Velasco ay malinaw na paglabag sa kanilang freedom of expression.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON