
Nilikida ni Mark ‘Magnifo’ Magsayo ang kalabang si Gary Russell sa Borgata Hotel Casino & Spa sa Atlantic City, New Jersey. Dahilan upang maagaw nito ang WBC featherweight title belt. Angat ang Tagbiliran City, Bohol pug sa score cards, 115-113, 115-113 at 114-114.
Pinaboran ng mga judges si Magsayo at nagwagi ito via majority decision. Kung kaya, nagwakas na ang pamamayagpag ni Russell sa nasabing division.
Si Magsayo ang fifth reigning Filipino champion sa sweet science. Na kinabibilangan din ni Nonito Donaire (WBC bantamweight), John Riel Casimero (WBO bantamweight), Jerwin Ancajas (IBF super flyweight) at Rene Mark Cuarto (IBF strawweight).
Napaigi rin niya ang record sa 24-0 at tinapos ang paghahari ni Russell. Naghari ang American pug sa featherweight division sapol pa noong March 28, 2015.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT