Bumuhos ang pagbati kay Mark “Magnifico” Magsayo sa pagsasara niya ng taong 2024 sa isang impresibong laban.
Ito’y matapos mapasakamay niya via second-round TKO ang panalo laban kay Bryan Mercado ng Ecuador sa Long Beach, California.
Pinabagsak ni Magsayo si Mercado ng apat na beses gamit ang mga left hook sa katawan.
Sa kasalukuyan ay pangatlo sa WBC super featherweight division, target ni Magsayo ang isang world title eliminator laban kay Eduardo Hernandez ng Mexico.
Ang kaniyang promoter na si Sean Gibbons ay puspusang gumagawa ng paraan upang maselyuhan ang laban.
Mula sa mga fans at kapwa Pinoy boxers ay umani ng paghanga ang tinaguriang “Magnifico” ngunit hamon nito sa sarili, marami pa siyang gagawing pagsisikap para sa mas malalaking laban sa 2025. (RON TOLENTINO)
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA