Inaresto ng mga awtoridad ang isang wanted na tao pasado alas-3:30 kaninang umaga sa Sitio Camantugan, Brgy. Bangonbangon, Sigma, Capiz.
Ang akusado ay kinilalang si 37-anyos Gilbert Bueno y Voluntad, isang magsasaka at residente ng nasabing barangay.
Nahaharap ang akusado sa kasong pang-aabuso.
Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu at pirmado ni Judge Daniel Antonio Gerardo Amular ng RTC Branch 21, Mambusao, Capiz at may petsang Mayo 30, 2006.
Hindi inirekomenda ng korte na makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Bueno.
More Stories
MAYOR BELMONTE, CITY TREASURER OFFICE BINIGYAN NG AWARD NG QC COUNCIL
Private Equity Fund investments boost Philippine pension fund Macquarie Asset Management pays out $272 Million or PHp 15.8B to GSIS
Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!