
WASAK ang Phoenix Fuel Masters sa kamay ng Magnolia Hotshots, 118-99, sa PBA Philippine Cup sa Zamboanga City nitong Sabado!
Simula pa lang, pinoste na ng Hotshots ang kanilang lakas — 35-27 sa first quarter at 67-53 pagdating ng halftime. Hindi na pinakawalan ang lamang, sinargo pa sa 107-79 sa fourth quarter matapos ang layup ni hometown hero Mark Barroca!
Si Barroca, bumida sa sariling turf, may 18 puntos, 6 rebounds, at 5 assistsm habang si Ian Sangalang rumatsada ng 20 puntos at si Zav Lucero nag-double-double ng 17 puntos at 11 rebounds.
Sinubukan pa ng Phoenix sina Kai Ballungay (25 pts, 15 rebs) at RR Garcia (22 pts) pero hindi na nila naisalba ang laro. Panalo na naman ang Magnolia — 4-0 na sa standings! Bagsak sa 1-3 ang Phoenix! (RON TOLENTINO)
More Stories
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!