
Niligwak ng Magnolia Hotshots ang Phoenix Fuel Masters sa isang blow-out win, 95-77. Kahit wala ang suspendidong si Calvin Abueva, walang problema sa opensa ng Chicken Timplados.
Nasuspendi si Abueva dahil sa unsportmanship act sa laro kontra Gin Kings. Samantalang injured naman si star guard Paul Lee.
Umiskor si Mark Barroca para sa Hotshots ng 13 points sa first half. Na naging mitsa ng kanilang pagtambak sa Fuel Masters. Bitbit nito ang 17 point lead sa 1st half, 44-27.
Nagtapos si Barroca ng 21 points at ipinuwesto ang team sa .500 mark na may 3-3 record.
Ang nasabing panalo ay ikalawa na matapos ang ‘Manila Clasico’ victory sa Brgy. Ginebra, 89-84.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT