
NAGBANTA ang “Magnificent 7” at mga kaalyado nilang transport group ng tigil-pasada kung matutuloy ang resolusyon ng Senado para suspendihin ang PUV Modernization Program (PUVMP).
Sa isang press conference, kinondena ni Pasang Masda President Roberto “Ka Obet” Martin ang pahayag ni Senate President Chiz Escudero kaugnay sa PUVMP.
Dagdag pa ni Martin, marami na sa kanilang mga miyembro ang sumunod sa PUV Modernization Program at posibleng maapektuhan na ang kanilang kita sakaling ipasuspinde ang pagpapatupad nito.
Pero nilinaw rin ng grupo na “last recourse” nila ang tigil-pasada.
Bukod sa Pasang Masda, kabilang din sa “Magnificent 7” ang Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), PISTON, Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEDJODAP), Stop and Go Coalition, at Liga ng Transportation at mga Operators ng Pilipinas (LTOP).
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay