KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang hinihinalang magnanakaw matapos masakote ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng tanghali.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ng naarestong suspek bilang si Arvin Hidalgo, 20, ng Blk 30 Lot 13 Habitat, Kapitbahayan, Brgy. Tanza 1, Navotas City na nahaharap sa kasong Theft.
Lumabasa sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Florencio Nalus, habang nakaupo sa kanyang tindahan sa Blk 40 Lot 30 Daanghari St., Brgy. Daanghari, Navotas City ang biktimang si Ma. Lourdes Castillo, 53 dakong alas-12 ng tanghali nang makita niya ang suspek na kinuha ang pera na kita ng tindahan niya sa cashier.
Matapos nito, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa Gov Pascual Street habang kaagad naman nakahingi ng tulong ang biktima sa mga nagpapatrolyang pulis na sina Pat Reggie Cruz at Pat Dean Adrian Mark Macaraeg.
Hinabol ng mga pulis ang suspek hanggang sa makorner at maaresto kung saan nakumpiska sa kanya ang ninakaw na pera sa biktima na aabot sa P1,710 ang halaga.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON