December 24, 2024

MAGKAPATID NA TIANGCO NAKATANGGAP NG 2023 OUTSTANDING PUBLIC SERVANTS AWARD MULA SA RPMD

MASAYANG tinanggap nina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Representative Toby Tiangco ang recognition bilang 2023 Outstanding Public Servants mula sa RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD). Nagpasalamat naman ang Tiangco brothers sa kontribusyon ng mga opisyal at empleyado ng lungsod sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko at mga Navoteño sa kanilang matatag na pagtitiwala at suporta. (JUVY LUCERO)

NAKATANGGAP sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Representative Toby Tiangco ng recognition bilang 2023 Outstanding Public Servants mula sa RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD).

Nabanggit ng RPMD na ang parangal ay magsisilbing bilang isang “direct reflection of the unwavering support and resounding endorsement from the constituents of Navotas City, who have voiced their approval and satisfaction with the Tiangco brothers’ service and dedication to their community.”

Ang Tiangco brothers ay parehong nangunguna sa mga independyenteng survey ng RPMD na regular na isinasagawa upang pasiglahin ang pananagutan, transparency, at epektibong pamamahala sa bansa.

Kinilala naman ni Mayor Tiangco ang kontribusyon ng mga opisyal at empleyado ng lungsod sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko.

“This award inspires us to continue to devote effective, transparent, and accountable service that our constituents deserve. We need to constantly improve ourselves so we could also elevate the quality of our service to our fellow Navoteños,” pahayag niya.

Samantala, pinasalamatan ni naman ni Cong. Tiangco ang mga Navoteño sa kanilang matatag na pagtitiwala at suporta.

“Tagumpay po nating lahat ang mga parangal na ito. Rest assured that we will continue to push for projects, programs, and bills that promote your best interests and well-being,” sabi niya.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni RPMD Executive Director Dr. Paul Martinez na ang pagtutulungan ng mga Tiangcos ay may mahalagang papel sa “transformation of the city into a model of urban development characterized by inclusive growth, enhanced public services, and a heightened sense of community welfare,” paglikha ng isang legacy of public service na tatatak sa darating na mga taon.