
PATAY ang magkapatid, isang 5-anyos at 6-anyos, sa Labason Zamboanga del Norte matapos ma-trap sa loob ng sirang pickup truck sa loob ng dalawang araw.
Ayon sa pulisya, naglalaro at magkakasamang nangunguha ng bayabas kasama ang isa nilang kalarong babae malapit sa isang shop kung saan nakaparada ang nasabing pickup truck noong Enero 26, 2025.
Umiiyak nang umuwi sa kanilang bahay ang kanilang kalaro matapos hindi bigyan ng bayabas, dahil sa takot, nagtago ang magkapatid sa loob ng truck.
Na-lock umano ang nasabing truck, na tinted ang salamin.
Nabatid na humingi ng tulong sa pulisya ang mga magulang ng dalawang bata na dalawang araw na nilang pinaghahanap. Pero nitong Enero 28, natagpuan ng may-ari ng shop ang dalawang bata na wala ng buhay.
More Stories
LIBU-LIBONG LAS PIÑEROS, NAGTIPON SA MITING DE AVANCE NG TEAM TROPANG VILLAR!
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’