ARESTADO ang magkapatid na sangkot sa illegal na droga at listed bilang high valuen individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Maj. Dennis Odtuhan ang naarestong mga suspek na sina Ronald Alinapon alyas “Dudong”, 45, at Rey Manuel Alinapon alyas “Tata”, 40, kapwa ng Domato Avenue, Cor. King David St., Phase 12, Brgy. 188.
Sa report ni Major Odtuhan kay NPD Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang ikasa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ang buy bust operation sa NHC-LD Road, Brgy. 186, matapos ang natanggap nilang impormasyon na nagbebenta umano ng shabu ang mga suspek.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang P7,500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 60 grams ng hinihinalang shabu na may satandard drug price value na P408,000.00 at buy bust money na isang tunay na P500 kasama ang P7-pirasong P1,000 boodle money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangeruos Drug Act of 2002.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO