ARESTADO ang dalawang lalaki matapos tangkain sagasaan ang pulis na humarang sa kanila nang hindi huminto makaraang parahin sa police checkpoint habang magkaangkas sa motorsiklo sa Valenzuela City, Sabado ng madaling araw.
Bahagya lang nakaiwas sa rumaragasang motorsiklo si P/SSg. Melvic Lunas ng Marulas Police Sub-Station -3 kaya’t inabot pa rin ang kanyang kanang pulso na dahilan ng pagkasugat habang nadakip naman ang dalawang suspek matapos ang maikling habulan.
Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsasagawa ng checkpoint sa harap ng Incon Industrial Corp. sa I. De Guzman St. Brgy. Marulas dakong alas-12:20 ng madaling araw ang kanyang mga tauhan nang mapansin ang pagdating ng mga suspek na walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo.
Nang parahin ng mga pulis, hindi huminto ang dalawa kaya hinarang sila ni Sgt. Lunas subalit, tinangkang sagasaan ng mga ito ang pulis.
Matapos masukol, nakuha sa nagmamaneho ng motorsiklo ang isang kalibre .45 baril na may limang bala sa magazine na walang kaukulang dokumento habang balisong naman ang nakuha sa kanyang ka-angkas.
Ayon kay Col. Cayaban, mahaharap ang dalawa sa mga kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o ang Disobedience of a Person in Authority, R.A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at Batas Pambansa Blg. 6 o ang illegal possession of deadly weapon sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA