November 3, 2024

Maging safe nawa ang Russian vaccine na ‘Sputnik V’

Mga Cabalen, nababanaag na natin ang malaking pagbabago sa paglaban natin sa COVID-19.Heto’t lumilinaw na magkakaroon na ng bakuna kontra sa Coronavirus.

Gaya ng sinabi ng Pangulong Duterte, makakaramdam na tayo ng ginhawa dahil sa vaccine.

Sinabi ng Russia na nakagawa na sila ng bakuna. Inalok ng Russia ang Pilipinas na susuplayan ng vaccine. Wala naman tayong problema sa Russia.

Ika nga ng Pangulo: ‘Friend to all and enemy to none.’ Wala namang conflict ito sa relasyon ng bansa sa ibang nasyon.                     

Magandang development ito para makapamuhay na tayo ng normal. Pangako ng Pangulo, libre ang bakuna sa mga mahihirap.

Kaya lang, may ilan pa ring nagdududa. Ika nila, baka kung anong mangyari sa kanila kapag nabakunahan. Heto na naman tayo, mga Cabalen.

Noong wala pang bakuna, naghahanap tayo! Ngayong meron na, nagdududa naman ang ilan!

Gayunman, para maiwasan ang pagdududa sa vaccine, mismong anak ni Russian President Vladimir Putin ang sumailalim sa bakuna. Para patunayan na ligtas ito.

Ganito rin ng sinabi ng Presidente Duterte— na magpapaturok siya ng Sputnik V o Russian vaccine. Sa paraang ito, maipapakita niya ang suporta sa mga eksperto

Kung sakaling makarating ang vaccine sa bansa, sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na isasailalim ito sa pagsusuri.

Daraan aniya ito sa standard procedure, gaya ng ginagawa nilang pagsusuri sa mga gamot. Gayundin sa mga pagkain.

Ika nga ni FDA OIC Rolando Enrique Domingo, aalalim ng ahensiya kung sa anong klasipikasyon maaaring magamit ang vaccine.

Isinaalang-alang dito ang edad at kung may komplikasyon sa ilang sakit. Kung sakaling epektibo ang ‘Sputnik’, priority sanang mabakunahan ang mga mahihirap.

Lalo na ang mga bata at mga pobreng obrero. Harinawang ito na ang sagot sa dalangin natin na lunas sa COVID-19.