December 23, 2024

MAGIGING FPJ AVENUE NA ANG ROOSEVELT AVENUE, OK KAYA SA IBA?

Sa mga susunod na araw, FPJ Avenue ang bagong itatawag sa Roosevelt Avenue sa lungsod ng Quezon. Aprubado na kasi ng mga senador sa huli o ikatlong reading ng bill.

Nakakuha ng 22-0-1 boto mula sa mga senador na pumapayag sila na palitan ang avenue.Ibig sabihin, kasado na ang pagpapalit ng pangalan sa Roosevelt. Aprubado rin ito ni Mayor Joy Belmonte.

Kaya, masanay na ang mga tao na tawagin itong Fernando Poe Avenue. Tma ba ang ginawang hakbang o mali? Ipinangalan ang Roosevelt Avenue sa naging presidente ng US na si Franklin Delano Roosevelt.

Ang nasabing lansangan ay nasa dating bahay ng pamilya ni FPJ. Malapit din dito ang kanyang studio na matatagpuan sa Biak Na Bato sa Frisco.

Ano nga ba ang pulso nyo rito, mga Ka –Sampaguita? Tama ba ang ginawa ng mga solon? O napapanahon na para sumabay sa nauukol na pagbabago, Marami na kasi tayong lansangan o kalye na pinalitan ng pangalan. Pero, alam naman natin kung ano ang orihinal na katawagan nito.

Pero, iniisip ng iba ang kasaysayan. Mahalaga pa ba ngayon ang pangalan o ang diwa ng isang kalye na nagbibigay kulay sa pangalan nito? Na dapat ipangalan sa tang naging bahagi ng kasaysayan ng bansa. Kaysa sa ipangalan sa dayuhan na hindi naman naging bahagi ng buhay ng mga Pilipino. Viva La Raza.