Ngayong buwan ng Hunyo at sa mga susunod pa ay dapat din nating bigyan ng pansin ang problema ngayong tag-ulan. Dahil sa COVID-19 pandemic, lahat tayo ay nakatuon sa patuloy ng pagdami bilang ng nahahawa at namamatay, kasama na riyan ang mga paghihigpit sa iba’t ibang lugar kaya ang ibang isyu at problema na maari nating kaharapin ay hindi nabibigyan ng atensiyon.
Bagama’t natutuwa ang ilang residente sa inilabas na guidelines ng Quezon City para sa paghahanda ngayong tag-ulan.
Ani ni QC Mayor Joy Belmonte, nagpalabas ng guidelines ang city government kung papaano tutugunan ng lokal na pamahalaan ang mga kaso ng COVID-19 sa panahon ng tag-ulan maging sa kalamidad at pagbaha.
Layon ng guidelines na matiyak ang patuloy na paglaban sa pandemic sa panahon na dumaranas ng pagbaha, bagyo at iba pang sakuna sa panahon ng tag- ulan.
Nakasaad sa guidelines ang pagpapakilos sa Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) para mamantine ang talaan ng mga flood-prone areas at malaman ang mga evacuation locations sa bawat barangay tulad ng mga paaralan at covered courts.
Pero sa buong Metro Manila, maraming pa rin ang bahain na lugar na parte ng Maynila, Caloocan, Malabon, Marikina, Navotas, Pasay at Pasig. Itong mga lugar na ito ay binabaha hindi lamang tuwing may malakas ang ulan at mababa ang lupain, kundi dahil na rin sa sumisikip ang siyudad at lumalaking populasyon.
Siguro naman ay napapanahon na para mag-isip ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila gayundin sa iba pang lugar sa bansa na gumawa ng kanilang sariling plano at programa ngayon tag-ulan at tiyakin na maililigtas nila sa panganib ang kanilang mga nasasakupan laban sa COVID-19.
Hindi naman bago sa atin ang hatid na panganib tuwing tag-ulan kaya’t mas mainam ng maging preparado at samahan na rin mga hakbang upang maprotektahan ang lahat sa coronavirus na malaking banta sa ating lahat at sa iba pang panig ng mundo na maaring tumagal pa ng ilang buwan, o maaring abutin ng taon.
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO