MULING namahagi ang tanggapan ni Congressman Robert Ace Barbers at dating Governor Lyndon Barbers ng Personal Protective Equipment (PPE) sa mga tauhan ng Surigao City Airport at PNP Aviation Security Group.
Kabilang sa mga ipinamahagi ay medical gloves, N95 Mask at face shield.
Labis naman ang pasasalamat nina Mary Sheil Toledo na namumuno sa X-Ray Section sa Surigao City Airport at Police Executive Master Sergeant (PEMS) Larry Ajoc ng PNP Aviation Security Group para sa natanggap na personal na protective equipments mula sa magkapatid na Barbers na magagamit sa kanilang trabaho bilang mga frontliner.
Anila, nabigyan sila ng karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19 pandemic.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON