DASMARINAS CITY, CAVITE- Nasakote ng mga pinagsanib na elemento ng mga operatiba ng PDEA 4A, PDEA IIS, PDEA SES, PDEA NCR, Armed Forces of the Philippines (AFP) Task Force NOAH, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), PDEG-RONCR, Bureau of Customs (BOC), Regional Intelligence Division of National Capital Region Police Office (RID-NCRPO), PNP Drug Enforcement Group, Special Operations Unit 4, (PDEG-SOU4), Cavite Provincial Police Office at ng Dasmarinas City Police Station ang mag-live-in partner na nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot bandang alas-3:30 kahapon sa tapat parking lot ng Max’s Restaurant sa Brgy. Salitran 2 sa kahabaan ng Aguinaldo Highway ng nasabing bayan.
Kinilala ang mga suspek na sina Wilfredo Blanco Jr.,37, at ang kinakasama nito na si Megan Lemon Pedroro, 38-anyos, parehong residente ng Kasiglahan Village sa Montalban, Rizal.
Base sa inisyal na ulat ni PDEA Spokesperson Derrick Arnold C. Carreon , nadakip ang mga suspek matapos na magpositibo ang ginawang pakikipagtransaksyon ng mga ito sa isang Pdea agent na nagpanggap na poseur buyer.
Nabawi sa posisyon ng mga suspek ang humigit kumulang na 240 kilo ng mga pinaghihinalaang shabu na meron estimated Dangerous Drugs Board (DDB) value na P1,656,000.000, isang Toyota Hi Ace na kulay puti na walang plaka, dalawang piraso ng mga cellular phones at ang ginamit na boodle marked money.
Mahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Violations of Sec.5 (Selling) at Section 11 (Possesion) ng Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 ang mga suspek. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA