
ARESTADO ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo matapos takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita dahil sa pagdadala ng baril sa Malabon City, Miyerkules ng madaling araw.
Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 at R.A. 4136 in relation to BP 881 (Omnibus Election Code) ang mga suspek na sina alyas “James”, 21, senior high student at alyas “John”, 31, tattoo artist, kapwa residente ng Caloocan City.
Ayon sa ulat, pinara ng mga tauhan ng Police Sub-Station 1 ang mga suspek na magka-angkas isang motorsiklo sa isinasagawang Oplan Sita sa Gov. Pascual Avenue, Potrero dakong alas-3:00 ng madaling araw.
Sa halip na huminto, humarurot patakas ang dalawa kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang makorner sila sa kanto ng Sisa St. Brgy. Tinajeros nang maharang ng mga tauhan ng Sub-Station 2 na nagsasagawa rin ng Oplan Sita.
Nang lapitan, napansin ng mga pulis ang nakasukbit na baril ng dalawa sa kani-kanilang baywang kaya agad silang inaresto at nakuha kay alyas James ang isang replica ng cal. super 38 pistol at dalawang bala habang isang improvised firearm na kargado ng isang bala ng cal. 38 ang nasamsam kay alyas John.
Kinumpiska rin ng pulisya ang motorsiklong gamit ng mga suspek na minamaneho ni alyas James bunga ng kawalan ng plaka at mga dokumento na magpapatunay kung sino ang nagmamay-ari nito. (JUVY LUCERO)
More Stories
MOA PARA SA PLASTIC WASTE RECOVERY PROGRAM SA NAVOTAS, NILAGDAAN
Vote-Buying? Mga Kandidato sa Malabon, Sinampahan ng Disqualification Case sa COMELEC
QC NAG-ALOK NG MAHIGIT 11,000 TRABAHO SA LABOR DAY JOB FAIR