December 27, 2024

MAG-INGAT SA “FRIEND IN NEED” SCAM (Babala ng NBI)

BINALAAN National Bureau of Investigation (NBI) ang publiko hinggil sa pagkalat sa social media ng “friend in need” scam.

Ayon sa NBI, modus ng “friend in need” scam na mang-hack ng social media account o email na kanilang gagamitin upang manghingi ng pera bilang tulong sa mga kaibigan ng may-ari ng hacked account.

Ang naturang babala ay inilabas ng NBI matapos itong makatanggap ng report mula sa biktima na si Dr. Ramon Ramos.

Mula lamang noong Lunes nang ma-hack ang account ni Ramos, tinatayang mahigit P500,000 na ang naipadala ng mga kaibigan nito sa account ng scammer.

Paalala ng NBI, huwag basta-bastang maniwala sa “friend in need” o mga kaibigang humihingi ng tulong sa pamamagitan ng e-mail o social media.

Payo pa ng hanay, maging mapanuri sa mga link na clini-click na isa sa mga posibleng paraan upang makuhaan ang password at maagawan ng account.