Matapos makitang palutang-lutang sa ilog ang kanilang mga maleta, natagpuan umanong nakalibing sa likod ng bahay ng sariling kapamilya ang katawan ng mag-inang balikbayan na halos isang buwan nang nawawala.
Noon pang Pebrero 21, 2024 nang mawala ang isang ina at anak niyang babae pagkatapos nilang umuwi galing sa Japan.
Natagpuan naman daw ang dalawang maleta ng mga biktima sa ilog sa Tayabas, Quezon, na naglalaman umano ng mga duguang gamit.
Dagdag pa ng ulat, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ay napansin daw ng pulisya na tila malambot ang lupa sa likod ng bahay ng kapatid ng inang biktima.
Nang hukayin ng mga awtoridad, doon na umano nakita ang mga bangkay ng mag-ina.
Itinuturing ngayong suspek at hawak na umuno ng pulisya ang naturang kapatid ng nakatatandang biktima.
Samantala, nasa punerarya na umano ang labi ng mag-ina, habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa naturang kaso.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA