TIAONG, QUEZON – Arestado ang tatlong suspek na mag-iina na mga pinaghihinalaang mga miyembro ng Manalo-Briones Criminal Group sa isinagawang search operation ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Calabarzon PRO 4A sa ilalim ng kampanyang CIDG Intensified Anti-Criminality Operations (CIACO) program sa Barangay Anastacia, ng nabanggit na bayan bandang alas-6:40 ng umaga kahapon.
Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Ritzelda Herera, 50, John Gilbert Herera, 30, at Von Vincent Herera, 22, at large naman ang suspek na si Vicente Herera, 52-anyos ang padre de pamilya ng mga inarestong suspek at pangunahing target ng nasabing operasyon.
Batay sa ulat na ipinadala ni CIDG Calabarzon Chief Colonel Marlon Santos kay CIDG Director Major General Eliseo DC. Cruz, isinilbi ng mga otoridad sa bahay ng mga suspek ang search warrant na inisyu ni Honorable Dennis Orendain, Executive Judge ng Regional Trial Court ng Fourth Judicial Region sa Lucena City, sa ginawang paghahalughog ng mgd pulis na nadiskubre ang mga sumusunod;
1. Three (3 ) High Explosive hand grenades without primary safety pin;
2. Three (3) 12-gauge Shotguns;
3. One (1) US Carbine;
4. One (1) cal .9 HYDRA (US made);
5. One (1) cal .45 pistol TM M1911A1;
6. One (1) cal .45 pistol TM STI International;
7. One (1) cal .45 pistol TM Norinco;
8. One (1) cal .22 Magnum TM Smith and Wesson;
9. One (1) cal .38 revolver TM Smith and Wesson;
10. One (1) cal .45 Thompson submachine gun;
11. Four (4) cal .38 revolvers;
12. Thirty-seven (37) Steel Magazines of various firearms;
13. Nine hundred one (901) ammunition of various caliber; and
15. Fifty-two (52) fired cartridges.
Dagdag pa ni Colonel Santos ang mga miyembro ng Manalo- Briones Criminal Group ay sangkot din umano sa gun for hire at gun running activities na nag-o-operate sa buong Calabarzon Region 4A.
Nakatakdang sampahan ngayon ng mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possesion of Firearms and Ammunitions) at RA 9516 (Illegal Possesion of Explosives) ang mga nakakulong na suspek sa CIDG Holding Facility. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA