NASAKOTE ng pulisya ang mag-asawang meat vendor na kapwa wanted sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City.
Sa ulat ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-6:00 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ikinasang manhunt operation sa pangunguna ni PSMS Alano Quisto ang akusado na si alyas “Dod”, 55, ng Brgy., Longos, Malabon City.
Ani PSMS Quisto, ang akusado ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Esteban V. Gonzaga ng MeTC Branch 50, Caloocan City noong February 19, 2001 para sa paglabag sa BP 22 (3 counts).
Nauna rito, dakong alas-11:20 ng umaga nang madakip din ng mga tauhan ng WSS ang kanyang asawang si alyas “Marites”, 48, sa manhunt operation sa Bangus St., at Apahap St., Brgy. NBBS Kaunlran.
Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Edison F. Quintin ng MeTC Branch 56, Malabon City noong December 22, 2008 para din sa paglabag aa BP 22 (2 counts).
Ayon kay Col. Cortes, nadiskubre ng WSS na may inilabas din na warrant of arrest ang Caloocan City, MeTC Branch 50, noong February 19, 2001 para rin sa paglabag sa BP 22 (2 counts) kontra kay ‘Marites’ kaya isinilbi din sa kanya ng mga tauhan ng WSS sa loob ng Custodial Facility ng Navotas Police Station, dakong alas-10:55 ng umaga.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!