Pontevedra, Capiz- Patay sa pamamaril ang mag-asawang vendors matapos na pagbabarilin ng isang suspek na anak ng mismong barangay chairman sa Brgy. Hipon ng nasabing bayan dakong 6:45 ng gabi nitong Miyerkules dahil sa dating alitan.
Kinilala ang mga biktima na sina Noli Navarro, 59, at ang kabiyak nito na si Januara Navarro, 56, mga nagtitinda ng karne ng baboy at baka. Habang ang suspek naman ay nakilalang si Restituto Oquendo Jr., alyas “Sultan” , 37, anak ni Brgy. Chairman Restituto “Resti” Oquendo Sr., kapwa mga residente sa naturang lugar.
Base sa salaysay ng mga anak na OFW’s ng mga biktima na sina Jauarlyn at Geraldyn Navarro, ikinuwento umano ng kanilang mga kapatid na kasalukuyang nagliligpit ng paninda ang kanilang mga magulang nang dumating ang suspek na si alyas “Sultan” at pinagbabaril ang mga biktima gamit ang isang kalibre 45 na baril at mabilis na tumakas patungo sa ‘di pa mabatid na direksyon.
Dati na umanong nagkaroon ng alitan ang ama ng suspek at ang mga biktima na nauwi pa sa reklamohan sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa pagpupumilit ng barangay kapitan na lumipat sa kanyang ipinagawang palengke ang mag-asawang biktima na kaniya rin kakumpetensya sa negosyo.
Narekober sa lugar ng crime scene ang apat na piraso ng mga basyo ng bala para sa parehong kalibre ng baril.
Nagawa pang dalhin ng kanilang mga kapit-bahay ang mga biktima sa Bailan District Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng rumespondeng doktor na si Dr. Andrei Ravena sanhi ng mga tinamong sugat sa ulo at iba’t ibang parte ng kanilang mga katawan.
Naglatag na ngayon ng hot pursuit at follow up operation ang Pontevedra Municipal police station at nag-alok na rin si Capiz Police Provincial Director PCol. Julio Gustillo, ng halagang P50,000 kapag nahuli ng buhay ang suspek at P100,000 kapag napatay ang suspek. (Koi Hipolito)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna