
Patay ang mag asawang call center agent matapos pagbabarilin ng nag-iisang suspek sakay ng motorsiklo sa Barangay Maharlika, Taguig City.
Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Marcelo, 54-anyos, at asawa nitong si Zener Tomas, 41-anyos, at residente ng Block 142 Lot 3 San diego Street, Brgy Central Bicutan Taguig City.
Sa inisyal report ng Taguig City police, humingi ng tulong sa Police Substation si Esmael Sarip, barangay secretary sa Barangay Maharlika, kaugnay sa nangyaring pamamaril.
Nagpapatuloy pa rin ang isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad sa lugar upang alamin ang posebling motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan ng salarin. (Balita ni RUDY MABANAG)
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC