
Patay ang mag-asawa at kanilang 7-anyos na anak sa isang sunog na sumiklab dakong alas-4:30 ng madaling araw nitong Sabado sa isang ancestral home sa Barangay Infante, Molo, Iloilo.
Ayon kay SFO1 Denmark Macoco, acting chief ng intelligence and investigation unit ng Bureau of Fire Protection, narekober nila ang mga bangkay ng mag-asawang Louelyn Reyes, 47; at Julius Reyes, 48, gayundin ang kanilang anak na babae na si Amber Marie.
Ayon kay Macoco, sinubukan ng pamilya na makalabas sa bintana ng kanilang buhay pero hindi nila ito mabuksan gawa ng steel matting.
Ibinahagi ng twin sister ni Louelyn na si Louela Gregorio, na nakatira din sa nasabing bahay, na narinig niyang sumisigaw ang kanyang kapatid pero hindi niya nagawang iligtas ito at ang dalawa pang nasawi dahil mabilis na kumalat ang apoy.
Kapwa nagtatrabaho ang mga ito bilang mga guro sa Iloilo City National High School.
Umabot sa P270,000 ang danyos ng sunog.
Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng apoy.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay