Pormal nang nagpahayag ng kanilang pagtakbo para sa 2022 elections ang mag-amang Deloso sa lalawigan ng Zambales.
Mababatid na nitong kamakailan lang nang mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy si dating Governor Amor Deloso para sa pagtakbo nito sa pagka-congressman ng 2nd District ng Zambales kasama ang anak nitong si Atty. Cheryl Deloso Montalla na tatatakbong gobernador sa nasabing lalawigan.
Sa naging pagharap ng dating gobernador sa ilan nating kababayan sa Zambales, kampante ito sa kanyang naging paninilbihan bilang dating gobernador ng lalawigan para muling pagkatiwalaan ng publiko.
Hindi kailanman nagdalawang isip ang mag-ama na tumulong sa ating mga kababayan lalo na sa mga kabataan sa pamamagitan ng pabibigay ng libreng scholarship. Hangad nila na ipagpatuloy ang kanilang pangarap at magandang hangarin para sa ikabubuti ng lalawigan ng probinsiya ng Zambales.
Ang nakatatandang Deloso ay nagsilbing gobernador mula 1988 hanggang 1998, 2007 hanggang 2010, at mula 2016 hanggang 2019.
Matatandaan na noong Hunyo 30, 2016, naglabas si dating Governor Amor Deloso ng Executive Order Number 1, na nag-aataas sa lahat ng mining companies na itigil ang operasyon nito sa lalawigan. Ito’y matapos mag-isyu ang Korte Suprema ng Pilipinas ng Writ of Kalikasan laban sa limang malalaking mining companies.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna