
DEAD on the spot ang mag-amang biktimang sakay ng isang motorsiklo nanng paulanan sila ng bala ng tatlong salarin habang papauwi ng kanilang bahay matapos dumalo ng court hearing sa Regional Trial Court Branch 14, pasado alas-10:00 ng umaga nitong Miyerkules (March 19, 2025) sa Barangay Putat, ng nasabing bayan.
Kinilala ang dalawang biktima na sina alyas “Samuel”, 35 anyos, isang Barangay Tanod at magsasaka na si alyas “Francisco”, 57 taon gulang, na parehong residente sa Barangay Bunducan sa nabanggit na bayan.
Habang ang mga suspek ay nakilalang sina alyas “Raymund”, “Patricio” at “Rex”mga nasa hustong gulang.
Ayon kay Nasugbu Chief of Police Police Lieutenant Colonel Louie Dionglay, galing ng korte ang dalawang biktima na dumalo sa ginagawang pagdinig sa kanilang kasong Homicide noong taon 2014 nang tambangan ng tatlong salarin na mga kamag-anakan ng napatay ng mag-ama at saka pinagbabaril gamit ang isang kalibre 45 na baril na naging sanhi ng kanilang agarang pagkamatay bago mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa hindi pa tukoy na direksyon.
Nagpapatuloy hanggang ngayon ang ginagawang ang follow up at hot pursuit/manhunt operation ng mga otoridad laban sa mga salarin na responsable sa krimen. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist Binuksan ang Punong Tanggapan, Tumanggap ng Matitibay na Suporta, at Umangat sa Survey ng Halalan
Abalos, naghain ng solusyon para mapababa ang kuryente
P816-M SHABU NASABAT SA ORIENTAL MINDORO