TODAS ang nasa walo katao kabilang ang 2-anyos na paslit, habang pito ang nasa malubhang sugatan makaraang magbanggaan ang isang van at truck sa Sariaya, Quezon, Linggo ng umaga.
Sa ulat ng pulisya dakong 5:30 ng umaga nang mangyari ang malagim na aksidente sa Maharlika hi-way ng Sariaya, Quezon.
Sumalubong umano ang van na lulan ng 14 na pasahero sa kabilang lane kung saan tuloy-tuloy na sumagupa sa paparating na truck.
Dead on the spot ang babaeng paslit, pati ang driver at ang 6 pang mga pasahero nito.
Papauwi na sana ang mga biktima sa Manila, na dumalo lamang sa death anniversary ng kanilang grandmother sa Balatan, Camarines Sur.
“Ang presumption now is nakatulog ang driver (ng van),” saad ni Lt. Col. Carlo Caceres, chief Sariaya Municipal Police Station.
Ongoing pa rin ang imbestigasyon, ayon sa pulisya.
Nahaharap ang truck driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicides, physical injuries, at damage to properties.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM