MATAPOS ang higit tatlong buwan, binuksan ng Senado ang imbestigasyon sa madugong misencounter sa pagitan ng philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa commonwealth ave, quezon city noong Feb. 24, 2021.
Sinabi ni Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs Chairman Sen. Bato Dela Rosa na layunin ng hearing na malaman kung saan nagkaroon ng lapses o pagkukulang ang dalawang unit na nagkasa ng drug buy-bust operations sa nasabing lugar.
Humarap sa hearings ang mga pulis at mga ahente ng pdea na sangkot sa nangyaring madugong misencounter at nanindigan na wala silang pagkakamali sa koordinasyon at operasyon.
Isinalaysay ni ng qcpd-Station Drug Operations Unit (sdou) ang kanilang actual operations report sa nangyaring misencounter sa pagitan ng kanilang mga tauhan at pdea agents.
Ipinakita naman ni pdea Director Gen. Wilkins Villanueva sa Senado ang kuha ng cctv sa nangyaring engkwentro sa harap ng isang gasoline station at isang fastfood chain sa Ever Gotesco mall kung saan apat ang nasawi, kabilang ang confidential informant ng PDEA at apat ang nasugatan.
Sa hearing, sinabi ni Police Maj. Sandy Caparoso, hepe ng qcpd-sdou, na target ng kanilang buy-bust operation ang drug trafficker na si James Tan.
Bukod sa misencounter sa Commonwealth, muntik na namang magkasagupa ang pdea agents ng Calabarzon Regional Office at ilang pulis ng Novaliches station sa isang mall sa Barangay Greater Lagro, QC noong may 14.
Sa kabila ng umiiral na protocols, bumuo ang pnp at pdea ng unified operational guidelines upang maiwasan ang misencounters sa drug operations sa darating na panahon.
Samantala, kinuwestyon naman ni Sen. Imee Marcos ang nasabing unified operational guidelines dahil malinaw naman sa Dangerous Drugs Act of 1972 na dapat ang pnp at iba pang concerned agencies ay makikipag-coordinate sa pdea sa anumang drug-related activity.
“That is already very clear. I would like to recommend real-time monitoring given the state of technology,” ayon kay Marcos.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund