Siniguro ng Bureau of Immigration (BI) na magiging mabilis ang proseso sa immigration para sa mga Pilipinong Muslim na dadalo sa taunang Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia sa susunod na buwan.
Sa katunayan ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco na mayroon ng streamlined processing para sa mga papaalis na pilgrims bilang bahagi na rin ng pagkilala ng ahensiya sa naturang relihiyosong aktibidad.
Kaakibat nito inaatasan ang mga airport terminal heads na magtalaga ng focal persons na siyang mangangasiwa sa pakikipag ugnayan sa mga opisyal mula sa National Commission on Muslim Filipinos.
Naatasan ang mga focal persons na ito na kumuha ng advanced passenger list ng mga indibidwal na papunta ng Mecca para sa pilgrimage.
Magsasagawa naman ang BI ng pre-screening checks sa mga pasahero sa naturang listahan para matiyak na walang sinuman ang subject sa hold departure orders o nasa watchlist.
Mayroon ding nakalaan na lane para sa Hajj pilgrims sa iba’t ibang paliparan. ARSENIO TAN
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA