
Pinuri ni Sen. Win Gatchalian ang Bureau of Immigration (BI) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) para sa mabilis na repatriation ng 29 Indonesian na nasagip nitong nakaraan mula sa POGO operations sa Pilipinas.
Ayon sa senador, ang bawat pagpapauwi, kasama ang deportasyon, sa mga foreign national na konektado sa POGO operations ay nagdadala sa bansa ng mas malapit sa hindi matitinag na layunin nitong puksain ang lahat ng kriminal na aktibidad na kaugnay ng POGO at palakasin ang pagpapatupad ng batas.
Hinihimok niya ang lahat ng law enforcement agencies na palakasin ang mga pagsisikap na buwagin ang mga tahasang lumalabag sa pagbabawal ng gobyerno sa POGO at kanilang mga scamming operations.
“Uulitin ko, dapat tuloy-tuloy na ang pagpapauwi sa mga foreign nationals na, kung hindi na-rescue ay, nagpapatakbo ng mga pang-i-scam derecho sa kanilang mga bansa para mahinto na ang kriminalidad sa bansa na na-uugnay sa POGO,” ayon kay Gatchalian.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO