March 7, 2025

MABILIS NA PAGPAPATALSIK SA MGA NAARESTONG POGO WORKERS, ‘TOP PRIORITY’ NG BI

Binigyang-diin ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado na top priority ng ahensiya ang mabilis na pagpapalayas sa mga naarestong POGO workers.

Kasunod ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng total ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na pinabilis nito ang deportasyon ng mga dayuhang sangkot sa ilegal na operasyon.

Nagbigay ng pahayag si Viado matapos magtanong ang Senate Committee on Justice and Human Rights tungkol sa status ng ongoing deportation.

Sa pagdinig, tinanong ni Senator Risa Hontiveros ang mga kinatawan ng BI kung bakit nila pinapayagan ang paggamit ng mga tiket na may connecting flights sa panahon ng pagpapatupad ng deportasyon.

“The longer these illegal aliens remain in the country while waiting for available schedules, the more the government incurs detention costs,”  pahayag ni Viado . “Our priority is to deport them at the soonest possible time, so we take whatever outbound ticket is available. The objective is to remove them from the country, and we will make sure that we will achieve this objective,” dagdag niya.

Binigyang-diin niya na ang deportasyon ay nangangailangan ng tatlong pangunahing dokumento: isang balidong pasaporte o travel document, isang NBI clearance upang kumpirmahin na walang nakabinbing pananagutan, at isang outbound ticket.

Upang mapabilis ang proseso, nakipag-ugnayan ang Deportation and Implementation Unit ng BI sa NBI upang mag-isyu ng mga clearance sa loob ng isang araw.

“Our goal remains the same—to ensure their swift departure,” saad ni Viado. “Our priority is to have them out of Philippine soil as quickly as possible. Once this happens, we consider this a successful deportation,” dagdag niya.

Binanggit ng BI ang isang kamakailang kaso noong Enero kung saan isang grupo ng mga deportado ang na-repatriate sa loob lamang ng dalawang linggo, na nagpapakita ng pangako ng ahensya sa kahusayan. “Delaying deportations only increases government expenses, and we want to avoid that,” saad niya.