Pinasalamatan ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda (Albay, 2nd district) si Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian) sa mabilis na pagresponde sa hirit nito para sa food packs ng 9,829 pamilya sa 6-kilometer permanent danger zone (PDZ) at 7-kilometer danger zone sa paligid ng Mayon sa mga munisipalidad ng Camalig, Daraga, Guinobatan, Santo Domingo at Malilipot, matapos itaas sa Alert Level 3 ang naturang bulkan.
Sa ilalim ng Alert Level 3, pinapayuhan ng Philippine Institute of Volcanology at Seismology (PHILVOLCS) ang mabilis na pag-evacuate para sa mga nasa PDZ.
Nagpadala ng request si Salceda kay Gatchalian kahapon, Mayo 8, ng food packs para sa 45-day at 90-day na evacuation scenarios sa mga apektadong residente ng limang munisipalidad.
“The scenarios are based on historical experience with Mayon volcanic activity, where evacuation tends to be protracted to 47 days or 90 days. We hope that the DSWD will be able to grant at least 50% of the food pack requirements for the 45-days scenario, considering that most these requirements will materialize once Alert Level 4 is declared,” pahayag ni Salceda.
Nag-request si Salceda ng nasa 147,435 na food packs para sa 45-day scenario at 294,870 food packs para sa 90-day scenario, o hindi bababa sa 50 percent ng 45-day requirement.
Mabilis namang tiniyak ni Gatchalian kay Salceda na mayroong 60,000 food packs sa Albay warehouse at dagdag na 40,000 sa mga kalapit na warehouse sa buong rehiyon.
“Cong, we can most definitely provide support to your LGUs, going even further than the 50 percent of the 45-day scenario,” dagdag ni Gatchalian.
Matapos ang abiso ng PHILVOLCS, tinatayang nasa 4,749 pamilya o mahigit sa 18,000 katao ang nailikas para sa kanilang kaligtasan, karamihan sa kanila ay pansamantalang inilikas sa public school building at mga evacuation centers.
Sa kasunod na pahayag, sinabi ni Salceda na ang limang bayan ang may pinakamaraming pamilya na nasa panganib.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO