November 27, 2024

MAAYOS SANA ANG ISYU NG ‘FOOD HOLIDAY’ SA PAGITAN NG DA AT PROPORK

Ka -Sampaguita. magandang araw sa inyo. Sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan.

Balak ng nagkakaisang unyon ng magbababoy at magsasaka na ikasa ang ‘ food holiday’.

Kung saan, hindi magluluwas ng kabilang livelihood stock o supply ang mga taga-lalawigan. Sa madaling salita, tatablahin nila ang Metro Manila.

Kapag nagkagayun, mahihirapan tayo ritong bumili ng karne ng baboy, maging ng isda at gulay.
Ito ay bunsod ng regulasyon ng kinauukulan sa pagtakda ng presyo ng karne. In short, price cap o price ceiling.

Ang presyo ay tinatakda ng Department o Agriculture.

Ipinatupad na rin ang nasabing regulasyon noong buwan ng Pebrero. Kung saan, malulugi ang mga meat vendors. Isa pa, pati na rin sa banta ng African Swine Fever (ASF).

Kaya mahal ang karne ng baboy ay dahil umano kulang sa suplay bunsod ng ASF.

Isa pa, ang pagpapababa ng taripa sa mga inaangkat na baboy. Na layung mapababa ang siklo ng presyuhan sa merkado. Na may negatibong epekto naman sa hog industries sa bansa.

Pero, sa isang banda ay wala namang banta. Kung nagkakasakit man ang mga alaga, yan ay dahil sa mainit na panahon.

Lalo na kung summer na nagkakasakit ang mga baboy ay iba pang hayop.

Ito ang babala ng Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork). Gayundin ng iba pang magsasaka.

Pag nagkataon, mawawalan ng suplay ng karne ng baboy, manok at iba pa sa mga merkado sa NCR. Dapat kasi, hindi nagbabangayan ang DA at Propork.

Aba, di biro ang ganyang senaryo kapag nagkataon. Dapat magkaugnay sila. Nagsa-sangunian kung ano ang remedyu sa problema.

Maayos sana ito at magtulungan na lang ang dalawa.Dahil kapag natuloy, baka mas lumama ang community pantry. Ano po?

Viva La Raza po.