
CALABARZON — Umakyat na sa 20 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa pagkalunod mula Abril 13 hanggang Abril 20, ayon sa pinakahuling ulat ng Police Regional Office 4A nitong Linggo.
Pinakahuling nadagdag sa listahan ang dalawang biktima mula sa Batangas at Rizal, na parehong natagpuang patay matapos lumusong sa ilog at lawa.
Sa Laurel, Batangas, natagpuang palutang-lutang sa Taal Lake ang katawan ng biktimang si Rigor Gamba, 45-anyos, na umano’y may iniindang mental disorder. Ayon sa Laurel PNP, walang palatandaan ng foul play sa katawan ng biktima at posibleng pagkalunod ang ikinasawi nito.
Samantala, sa Tanay, Rizal, binawian din ng buhay si Froilyn Requellas, nasa hustong gulang, matapos malunod sa Dapitan River. Base sa salaysay ng pamilya, lumusong ang biktima bandang alas-5 ng umaga, at makalipas ang isang oras ay natagpuang lumulutang na walang malay. Agad itong dinala sa Army Station Hospital sa Camp Mateo pero idineklarang dead on arrival ng attending physician na si Lt. Col. Marie Rose Baniqued.
Patuloy na paalala ng mga awtoridad: Magdoble-ingat sa mga paliguan, lalo na’t dagsa ang mga naliligo ngayong panahon ng tag-init.(KOI HIPOLITO / ERICHH ABRENICA)
More Stories
PINOY PATAY SA NAKAKAKILABOT NA PANLOLOOB SA MILAN
ALTERNERGY, TUMANGGAP NG ₱3.3-BILYON PARA SA WIND PROJECT SA QUEZON
CONSTRUCTION WORKER, BINITBIT MATAPOS TUTUKAN NG BARIL ANG MAY-ARI NG BAHAY SA NAVOTAS!