
NAMATAY ang isang 77-anyos na babae na hirap nang makalakad sa nangyaring sunog sa Muntinlupa City na tumupok sa 15 kabahayan.
Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang masunog ang Marquez Compound Summitville sa Puttan, Muntinlupa.
Kinilala ang biktima na si Crissanta Arera na nahirapang makalabas sa nasusunog na bahay ng kanyang 84-anyos na brother-in-law na si Ernesto Vibora.
“Paglinga kong ganun, ang laki na ng apoy…Hindi [ko na siya nakita]. Usok na lang sa loob ng bahay,” ayon kay Vibora.
Ayon sa mga awtoridad, natutulog ang nasawing si Crissanta sa naturang bahay nang mangyari ang insidente.
“Nasa loob po si nanay, nagpapahinga. Biglaan po pangyayari. May nagsasabing malakas na raw po yung apoy sa loob ng bahay,” ayon kay Inspector Roy Arbis, Muntinlupa Fire Bureau chief investigator.
Labis ang nararamdamang lungkot ng kanyang kapatid na babae sa sinapit ni Crissanta.
“Dahil ako’y naawa. Kami na nga lang ang andito,” ayon kay Josefina Vibora. “Lumpo ‘yan. Mahina ang katawan. Nakakalakad kaya lang mahina sya, sapul na pagkabata ‘yan.”
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang naging sanhi ng naganap na sunog na umabot sa ikalawang alarma.
More Stories
Bagong PCO chief, wagi sa P206-M PCSO deal? JAY RUIZ DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM SA COMMISSION ON APPOINTMENTS
PCSO at Bayanihan Sands nangibabaw sa 11th CAMI Clark Golf Cup
Davao Occ. Tigers COCOLIFE… ANG PAGBABALIK NG TIGRE SA MPBL!