December 24, 2024

LUMANG SCHOOL CALENDAR TARGET MAIBALIK SA SUSUNOD NA TAON

UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maibalik sa dating school calendar ang pagbubukas ng klase sa susunod na taon.

Ayon sa Pangulo, sang-ayon ito sa panukala ng Department of Education (DepEd) na ibalik sa old school calendar bunsod ng sobrang init na panahon na siya nagdudulot ng pasakit at panganib sa kalusugan.

“I don’t see any objections, especially with El Niño being what it is. Every day you turn on the news, F2F classes are postponed,” saad ni Marcos.

Nang tanungin kung kailan ito ipatutupad, sinabi ni Marcos na: “Hopefully by next year, yes, matatapos na.”

Bagama’t hindi nilinaw ng Pangulo kung ang tinutukoy ba niya ang susunod na taon (2025) o ang susunod na school year, na magsisimula sa 2024 at matatapos sa 2025.