
NASUNOG ang lumang gusali ng Ospital ng Maynila (OSMA) sa Quirino Avenue, Malate, Manila kamakalawa ng madaling araw.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ground floor at umabot sa ikalimang palapag ng nasabing gusali.
Dakong alas-1:46 ng madaling araw nang magsimula ang sunog at umabot sa unang alarma. Idineklara itong ‘fireout’ ng alas-2:27 ng madaling araw.
Wala namang nasakatan o namatay sa nasabing sunog.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng sunog at kung magkano ang danyos ng sunog. ARSENIO TAN
More Stories
No Betting Casino Bonuses: An Overview to Unlocking Worth Without the Strings Attached
TEAM BINAY SINIMULAN ANG PANGANGAMPANYA SA BRGY. PIO DEL PILAR, MAKATI
DUTERTE SA ‘PINAS LITISIN – IGLESIA NI CRISTO