
Bumida si Luka Doncic sa paggarote ng Dallas Mavericks sa Memphis Grizzlies, 104-91. Bumuslo ang Slovenian star ng 37 points, 11 boards at 9 assists.
Kumana naman si Jah Morant ng 35 points, 13 boards at 6 assists sa Memphis. Pukpukan ang naging laban ng dalawang teams. Pero, nanaig ang Dallas sa bandang huli.
Samantala, big performance na naman ang ginawa ni Joel Embiid sa Philadelphia 76ers. Sinipa ng 76ers ang San Antonio Spurs, 115-109. Gumawa si Embiid ng 38 points at 12 rebounds.
Sa iba pang laro sa NBA, binistay ng Orlando Magic ang Chicago Bulls, 114-95. Pinilay naman ng Boston Celtics ang Washington Wizards, 116-87. Pinilipit naman ng New York Knicks ang LA Clippers, 110-102.
More Stories
COMELEC Ibinasura ang Disqualification Case Laban kay Atty. Ian Sia
195 PAMILYANG MANILEÑO, NABIYAYAAN NG LUPA SA ILALIM NG PROGRAMA NI MAYOR HONEY LACUNA
Imee Marcos: “Collateral Damage” dahil sa apelyido (Matapos ‘di makapasok sa Magic 12)