September 20, 2024

LUIS MANZANO, HINDI MALAYONG PASUKIN NA RIN ANG POLITIKA

Nasa lahi naman na ni Luis Manzano ang magkaroon nang dugong politiko. Dahil ang parents niya na sina Edu Manzano at Vilma Santos ay nasa politika rin.

Kaya hindi kataka-takang balang araw ay pumalaot na rin siya sa mundo ng politika. Na mukhang nalalapit na nga ito.

Sa ngayon wala pa.Pero lahat naman tayo ay may obligasyon para magbigay serbisyo sa ating mga kapwa tao. Lahat naman tayo ay may iba’t ibang capacities sa buhay, pwedeng sa simpleng gawa ng pagtulong ay makagawa tayo ng public service sa ating kapwa,” sabi ni Luis.


Basta ako hindi ko sinasara ang pintuan ng politika sa aking buhay. Malalaman niyo naman iyan, sa ngayon kasi marami akong obligasyon na dapat gampanan. Isa na nga d’yan ang aking showbiz career bilang isang host sa telebisyon. Pag-aasikaso sa aking negosyo, kaya kung pasukin ko ang politika dapat may time talaga ako,” salaysay pa ng aktor at host.