PINAPAYAGAN ang food deliveries ng “24/7” kahit na sa mga lugar na nasa ilalim ng estriktong quarantine level, ayon sa Malacañang.
Ito’y matapos na mag-viral ang video ng isang food delivery rider nang sitahin siya sa paglabag sa curfew na maghahatid lang sana ng lugaw sa isang barangay sa Bulacan.
Sa Facebook pinost ng delivery rider na si Marvin Ignacio ang pagsita sa kanya ng isang babaeng tauhan umano mula sa San Jose Del Monte at harangin ang pagpasok niya sa Barangay Muzon bandang ala-1:30 ng madaling-araw.
Makikita ang babaeng hawak ang panuntunan tungkol sa mga lugar na nasa enhanced community quarantine at sinabing hindi ito maaaring mag-deliver dahil hindi naman parte ng essential goods ang lugaw.
“Essential po ba si lugaw? Hindi… Kasi mabubuhay ang tao nang walang lugaw. Ang essential tubig, gatas, groceries,” anang babae, na sinagot ng delivery rider na “Pagkain po ‘yun mam e.”
Sumagot ulit ang babae at sinabing “Hindi nga e. Eh di sana lahat ng pagkain bukas.”
Inulit niyang hindi essential ang lugaw. “Hindi po essential si lugaw. Sana bukas din si bakery. Mabubuhay tayo nang walang lugaw sa maghapon.”
Nilinaw naman ni Palace spokesman Harry Roque ang direktiba: Twenty-four/seven ang delivery.”
“Lugaw, or any food item for that matter, is considered an essential good. Delivery of food items must remain unhampered 24/7. Huwag natin harangin sa checkpoints,” dagdag ng tanggapan ni Roque sa isang pahayag.
Hinimok naman ng interior department sa mga grupo ng homeonwers na payagang makapasok ang mga food deliveries sa subdibisyon.
“We highly encourage our different homeowners’ association, do not impede the movement of food delivery sa inyong mga subdivision,” saad ni Interior Undersecretary and spokesperson Jonathan Malaya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY