Naglabas ng pahayag ang Monde Nissin kung saan sinabi nito na ligtas kainin ang sikat na instant noodle ng mga Pinoy na Lucky Me!
Ito’y matapos maglabas ng health warnings ang ilang bansa sa Europe at pinatatanggal sa mga pamilihan dahil kontaminado umano ito ng harmful chemicals.
Nagbabala rin ang mga pamahalaan ng France, Ireland at Malta sa kanilang mga mamamayan na huwag kumain ng nasabing instant noodles brand dahil mayroon itong mataas na lebel ng ethylene oxide.
“This pesticide is not authorized for use in foods sold in the EU. Although the consumption of the contaminated product does not pose an acute risk to health, there may be health issues if there is continued consumption of ethylene oxide over a long period of time,” ayon sa Food Safety Authority ng Ireland.
Naglabas din ang Ireland ng recall order sa batch ng Lucky Me! Instant Pancit Canton dahil nagtataglay ito ng ethylene oxide.
“Point-of-sale recall notices will be displayed in stores supplied with the implicated batch,” ayon sa Irish regulator.
Binalaan din ng Malta ang mamamayan nito na huwag bumili ng Lucky Me! at ng mga flavored variant nito.
Sa inalabas na pahayag, sinabi ng Monde Nissin na walang idinagdag na ethylene oxide sa Lucky Me! products, ngunit ito ay ginagamit upang maiwasan ang paglaki ng microbial sa mga pampalasa.
“It is a commonly used treatment in spices and seeds to control microbial growth typical in agricultural products. These materials, when processed into seasoning and sauces, may still show traces of ethylene oxide,” ayon sa kompanya.
Tiniyak ng Monde Nission sa mga kustomer na sumusunod sila sa regulasyon na ipinatutupad ng Philippines’ Food and Drug Authority, gayundin sa United States’ FDA.
Inatasan na ng Department of Health ang Food and Drug Administration na imbestigahan ang diumano’y mataas na level ng ethylene oxide o pesticide sa instant noodle na “Lucky Me.”
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE